Museum of Islamic Arts – Doha


Ito yung noong nagpunta kami sa ‘Museum of Islamic Arts ‘ mga two weeks ago siguro yun. At meron akong Photo-Oops experience na gusto kong i-share sa inyo para hindi nyo na magawa ang mga kapalpakan kong nagawa dito (Although hindi naman masagwa talaga ang lumabas na mga pictures).

Eto yung bridge papuntang museum, kasi nga itong museum na ito eh itinayo sa dagat kaya kailangan nya ng link-way papunta sa kanya. Gawa in I.M. Pei itong museum na ito.

 

Eto naman yung ‘Pond’ malapit na sa entrance ng museum. Nakapwesto malapit na halos sa flooring ang camera dito kaya nakatabingi ang kuha (tyambahan lang kasi walang live view ang camera ko 🙁

(klik nyo na lang kung gusto nyong makita ng malaki)

pic4

 
s

Napakarami kong nagawang pagkakamali dito sa pagkuha ko ng picture, nagsimula ito noong pagpasok namin sa loob, dahil nga museum alam kong kulang ang liwanag sa loob kaya sabi ko tataasan ko na lang ang ISO para magawa kong maging at least 1/30 seconds and shutter speed ko. Noong mini-meter ko na ng camera yung ambient light ng interior, lumalabas na kailangan kong gawing 1600 ang ISO setting ko para maging tama ang exposure. Eh di isinet ko na nga na ISO1600, sabi ko kahit madaming ‘noise‘ basta maliwanag. Eh di syempre shoot na ako ng shoot although konti lang nakunan ko kasi nga nag aya na agad mga kasama ko kasi gutom na daw sila. Then, nung nakauwi na kami at tinitingnan ko na yung mga kuha ko, nagulat ako nung makita ko na ISO100 ang lumabas sa histogram ng ilan sa mga pictures, tiningnan ko kaagad yung setting ng camera ko kung talaga bang ibinalik ko sa ISO100 yung setting nya – pero ISO 1600 pa din ang setting ng camera, so balik uli ako doon sa mga pictures, tiningnan ko isa isa yung histogram at nadiskubre ko na iba iba ang naging ISO value ng bawat pictures – eh di syempre takang taka ako, then dito ko naisip na baka dahil yon sa ‘AUTO ISO’ setting na laging naka on ang default sa camera ko. Yes, ito nga ang me kasalanan (hindi ang katangahan ko hehe), hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit yung mga kuha sa madidilim sa lugar eh ginagawa nyang ISO100 samantalang yung sa maliwanag na lugar eh ginawa nyang ISO1600. Kaya para sa akin- hindi na dapat ini-on yan ‘autoISO’!


Cavour Vase, 13th Century, Turkey
Heto na ang mga palpak na ISO setting na ginawa ko. Itong nasa kaliwa ay ISO100, although ok naman ang kinalabasan, ang talagang intensyon ko sana eh taasan kahit hanggang ISO 1600 kung kailangan para mapaliwanag ko sana ang ambiance. Sa ibaba naman ang picture kasama si Emily (hindi na gaano nakita ang mukha nya) pero at least na highlight ang subject na display.
 
 
Ito namang nasa ibaba eh nung paglabas na namin ng museum, nakalimutan ko naman ibalik sa lower ISO (e.g. ISO100) ang camera setting, kaya kahit kaiinitan ng araw ay nag ISO1600 ako kaya hayan – blown out ang hight lights (kainis).
 

Post ko pa yung ibang pictures sa loob ng museum next time.
   
Posted in 2009, Buildings in Qatar, Life in Qatar
Tags: , , ,

Recent Comments