First time – buying experience of Eryn

‘Wala akong magawa’, ito ang laging sinasabi ng dalawang bata kapag naiinip sila o di kaya ay nagsawa na sa paglalaro nila. Noong nakaraang linggo, nangulit itong si Eryn at sabi ng sabi na wala daw syang magawa kaya naisipan ko syang biruin na ibili nya ako ng tinapay doon sa tindahan na malapit dito sa bahay namin. Sabi ko silang dalawa lang ni Ryon ang bababa at bibili, hindi kami sasama ng mommy nila – pero imbis na matakot eh na excite pa itong bruhang si Eryn, kaya naisip ko din na siguro panahon na para turuang bumili mag isa itong si Eryn at Ryon – kaya kahit takot pa ang mommy nila eh binigyan ko talaga ng perang pambili itong dalawa, ibilin ko lang na dapat hintayin nila ang sukli bago umalis. Eh di bumaba na nga itong dalawa sa elevator, tapos dali dali kaming pumunta ni Emily doon sa bintana ng staircase para tingnan ang dalawa, pero ang lumabas lang ng building eh itong si Eryn, mukhang nag back-out si Ryon, kaya bumalik uli si Emily sa pintuan ng elevator para tingnan si Ryon kung bumalik nga, totoo nga natakot si mokong at bumalik na lang (pero at least mag isa lang syang nag elevator at nakarating naman sa floor namin.

Heto na si Eryn pauntang tindahan, cool lang siya, talagang me pagka independent itong si Eryn kaya malakas ang loob.

heto naman sya nang pabalik na, aba at talagang me bitbit, ibig sabihin nakabili nga syang mag isa.Take note, Bangladeshi ang nagtitinda doon kaya kailangan english ang pagkausap mo sa kanila kaya ibig sabihin hindi nahiya si Eryn magsalita ng english.

Heto na yung malapit na sya sa building na tinitirhan namin.

Inabangan namin sya dito paglabas ng elevator, palakpakan kami pagkabukas ng elevator kaya nagulat din sya. Bitbit na nya dito ang napamili nyang supot ng tinapay. Oh diba ang galing ni Ate Eryn!

   
   
   
   
Posted in 2009, Life in Qatar

Recent Comments